COVID-19 curve maaaring mag-flatten sa katapusan ng Agosto o Septyembre: UP expert
Sa kabila ng pag-angat ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at ibang pang probinsya, maaari pa ring ma-flatten ang COVID-19 curve sa bansa, ayon sa isang miyembro ng isang research group mula sa University of the Philippines.
Ipinaliwanag ni Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team na mayroong malaking posibilidad na bumaba ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Agosto kung hindi inialis sa MECQ ang Metro Manila at apat pang probinsya.
“Sa ngayon umaasa tayo na kaya pa rin ‘yan, katapusan ng August pwede maflatten ‘yung curve, pero kahit mga September siguro na mangyari ‘yan, okay lang din, maflatten natin ang curve slowly,” pahayag ng eksperto sa isang panayam.
Samantala, sinabi ni David na kahit pa ma-flatten ang COVID-19 curve sa bansa, aabot pa rin ng isa hanggang dalawang buwan bago maging "manageable" ang bilang ng mga kaso ng sakit.
Dagdag nito, napansin din ng UP OCTA Research Team na bumaba na ang case of infection sa buong Pilipinas base sa mga naitalang datos ng Department of Health nitong mga nakalipas na araw.
No comments:
Post a Comment