Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

COVID-19 ng vaccine mula sa China malapit ng matapos; Pilipinas unang makakakuha


Nangako ang China na prayoridad ang Pilipinas sa mga bibigyan ng COVID-19 vaccine sa oras na maging handa na ito sa paggamit sa publiko.


Ayon kay Ambassador Huang Xilian, apat sa mga China-made vaccine para sa COVID-19 ang nagpapakita ng magandang resulta sa mga isinasagawang clinical trial.

"I think the third phase of trial is going well smoothly, and we are looking forward to the early success of those vaccines," sabi ni Huang sa isang panayam.

"It’s quite difficult for me to predict but according to the assessment of some scientists, it is likely that the vaccine could be developed before the end of this year or early next year," dagdag pa nito.

Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaasa siya sa pagdating ng bakuna sa Disyembre. Saad naman ng mga eksperto, maaaring hindi pa magkaroon ng COVID-19 vaccine hanggang sa pagsisimula ng taong 2021.
Share:

1 comment:

  1. Bakit po nawala po ung name ng asawa ko sa list naka tanggap namn po sia nong 1st trans.side walk vendor lang po kami.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive