Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Death penalty para sa mga kurap na politiko, isinusulong


Matapos sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na ibalik ang death penalty sa bansa upang matigil ang kalakalan sa ilegal na droga, iminumungkahi rin ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang parehong parusa para sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.


Sa isang virtual briefing na iniere sa PTV-4, Lunes (Hulyo 27), sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na nararapat lamang bitayin ang mga kurap na opisyal dahil sila ang dahilan kung bakit milyon-milyong Pilipino ang naghihirap.

“Corruption should be categorized as a heinous crime and should be penalized by death...Ang (gusto namin) noon, by hanging pero okay naman din ang  lethal injection,” sabi ni Belgica.

Samantala, wala pang tugon ang kongreso ukol sa pagpapatupad ng death penalty na dalawang beses ng napawalang bisa magbuhat noong magawa ang 1987 constitution sa bansa.

Una ng sinabi noon ng MalacaƱang na importante ang pagpapatupad ng capital punishment upang maging crime-free at drug-free ang Pilipinas.
Share:

3 comments:

  1. dapat lang maparusahan ng kamatayan ang mga corrupt na elected or appointed government official. yong mga official na involve sa mga infrastructure project ng gobyerno and this officials that responsible of SAP distribution.

    ReplyDelete
  2. Kylangan pairalin or ipatupad na ag death penalty officials Ng Governo or lahat curapstion kylangan bitayin cla sasama na ag embolb SA drugs dapat Sana walang curapstion SA Governo Sana walang mahirap SA Pinas ..

    ReplyDelete
  3. Kylangan pairalin or ipatupad na ag death penalty officials Ng Governo or lahat curapstion kylangan bitayin cla sasama na ag embolb SA drugs dapat Sana walang curapstion SA Governo Sana walang mahirap SA Pinas ..

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive