DepEd iniurong na ang school opening sa October 5
Inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones, Biyernes (Agosto 14), na gagawin ng October 5 ang school opening ngayong taon sa halip na Agosto 24 upang mas makapaghanda ang mga guro at estudyante sa distance learning na ilalatag ng ahensya.
Ayon kay Briones nakatanggap siya ng memorandum mula sa office of the President na nagsasabing iuurong na ang school opening sa October 5, alinsunod ito sa kaniyang rekomendasyon na kaniyang isinumete noong Agosto 6.
"As per the memorandum from the Office of the President, based on our recommendation, we will defer the opening of classes to October 5," sabi ni Briones sa isang online press conference.
Dagdag ng opisyal, sa ngayon ay magpapatuloy sila sa paghahanda sa mga guro, mag-aaral at mga kagamitan na gagamitin para sa distance learning.
Binigyang diin naman ni Briones na hindi magkakaroon ng face-to-face classes sa kalagitnaan ng pandemya.
Maraming guro at magulang naman ang natuwa sa anunsyo ng opisyal. Kamakailan lamang ay may mga grupo ng guro na nananawagang i-postpone ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 dahil sa kakulangan sa preparasyon ng DepEd.
No comments:
Post a Comment