Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD may 'passing grade' sa Palasyo kahit pa delay ang distribusyon ng SAP


Bagama't hindi mala-magna cum laude ang rating, binigyan pa rin ng "passing grade" ng Malacañang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa distribusyon nito ng ayuda sa mga higit na naapektuhan ng pandemya sa bansa.


Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang delay na implementasyon ng social amelioration program (SAP) ng DSWD ay katanggap-tanggap naman lalo pa at kinailangan nitong maghintay at i-verify ang mga benepisyaryong nasa listahan ng programa.

“Siguro po hindi magna cum laude ang grade pero pasado naman po dahil unang-una yung delay naman po ay dahil talagang nagverify sila na walang double entries at ito po yung dahilan kung bakit nabawasan sila ng humigit kumulang isang milyon,” sabi ni Roque sa isang televised briefing.

Noong Agosto 20, ayon sa DSWD mahigit 13.1 million na mula sa 14.1 million target beneficiaries ang nakatanggap  ng ayuda mula sa second tranche ng SAP.

Nakatakda sanang magtapos ang distribusyon ng ayuda sa katapusan ng Mayo ngunit dahil sa mga hindi inaasahang problema hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin ng pamamahagi ang ahensya.

Share:

3 comments:

  1. dito sa antipolo city wala pa po ako na tanggap na tx nasa masterlist nman po ako, GERvacio Digasjr.

    ReplyDelete
  2. Dito sa San Pedro brgy chrysanthemu wala pa po ako sa 2nd tranche ang mapepera pa dito inuuna..may pag asa pa kaya yon?
    May 1st tranche naman po ako bakit gang ngayon d pa rin ako nakakuha sa 2nd tranche.

    ReplyDelete
  3. andian po yong corrupsiyon na sinasabi ni pacman Mr. President di pa kasi lahat binigay niaN nakapula at blue na tshirt yong ayuda sa lahat ng apektado nun pandemic at hanggang ngayon! pati po mga barangay sa buong pilipinas na di rin po ng bigay ng ayuda at kailangan kuwestiyunin!👊 No to kurapsiyon bangon Pilipinas!

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive