DSWD personnels na nagbulsa ng ayuda, kinasuhan na ng pulisya
Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang dalawang personnel ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), matapos nilang ibulsa ang mga ayudang ibinalik ng mga unqualified beneficiaries sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa Iloilo.
Ayon kay CIDG Chief for Western Visayas Police Lt. Col. Jun Balmaceda, naghain ng graft and corruption charges ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) of the Philippine National Police (PNP) laban kina Svenina Billones at Jande Arroyo na kapwa naka-assign sa DSWD municipal link office sa Dumangas.
Nakumpirma ng CIDG-Iloilo Provincial Field Unit ang pangungurakot ng dalawa matapos makatanggap ng reklamo mula sa limang tao na nagbalik ng P6,000, sabi ni Balmaceda.
Ayon sa kwento ng mga nag-report, hindi sila nakatanggap ng resibo mula kina Billones at Arroyo, malinaw na paglabag sa guidelines na inilabas ng DSWD.
Naisampa na ang kaso sa Iloilo Provincial Prosecutor’s Office, ngunit isang administrative case pa ang layong ihain sa Office of the Ombudsman laban sa dalawang DSWD personnel.
Mabibigay pa po ba un sap po nmin, nkatanggap na po ako nun una, bakit hanggang ngaun wala pa rin po un 2nd po, nkatangap na po un mga kasama po nmin..
ReplyDeleteDalangin ko po na sana matanggap na po nmin un 2nd tranche po, malaking tulong na din po un sa kagaya po nmin na wala permanenteng trabaho po...
ReplyDeleteNoong una po nkatanggap ako ng sap sa aming barangay,pero sa second po ay wala na,pro ibang barangay po ay nkapag bigayan na uli,saka bkit noong unang bigayan po ay 2 na agad ang pinapermahan samin,pro 5k lng nman binigay po nla
ReplyDelete