DSWD, tuloy pa rin sa serbisyo kahit umabot na sa 123 ang personnel na may COVID-19
Nangako ang Department of Social Welfare (DSWD) sa publiko na hindi ito titigil sa pagbibigay ng serbisyo sa kabila ng patuloy na tumataas na bilang ng mga personnel nitong tinamaan ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 123 ang bilang ng DSWD personnel na nakumpirmang tinamaan ng virus at 74 sa mga ito ang ikinokonsiderang active cases. Sa kabilang banda, nasa 311 naman ang sumasailalim ngayon sa quarantine.
Ayon sa ahensya, nagbigay na sila ng personal protective equipment, financial at medical assistance, food packs, at iba pang serbisyo na kailangan ng mga tauhan nitong na-expose sa virus.
Ang DSWD ang ahensya ng namumuno sa implementasyon ng Social Amelioration Program na nagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pandemya.
No comments:
Post a Comment