Estudyante at guro ng Maynila, tatanggap na ng libreng gadget sa susunod na linggo
Magsisimula na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng gadgets sa estudyante at guro ng Maynila para sa pagbubukas ng panibagong school year sa darating na Oktubre 5.
Tatanggap ang mga estudyante ng mga pampublikong paaralan ng tablet at sim card na mayroong 10GB data allocation habang laptop naman at pocket wifi ang para sa mga public school teacher na tinatayang nasa bilang na 10,300.
Una ng sinabi ni Manila City Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso noong Hunyo na maglalaan ang kanilang lokal na pamahalaan ng P994 milyon para sa libreng gadget na gagamitin ng mga estudyante at guro sa blended learning ngayong taon.
“Bibili tayo ng 110,000 na tablet para sa mga batang Maynila. Walang [gastos] na ang mga magulang,” sabi ni Moreno.
“Mga teacher, ‘wag kayong mag-alala. Bibili tayo ng Wifi connector… ng pocket Wifi, tapos may load din ‘yun. Nire-refill (sic) natin every month. Kaya wala ring [gastos] yung mga teacher natin,” pagpapatuloy niya.
Sana mabigyan dn poh yng anak bgo magpasukan major isko
ReplyDelete