Face shield hindi dapat gawing alternatibo sa face mask: UP expert
Nagpaalala ang isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP), na hindi dapat gawing pamalit ang faceshield sa face mask bilang proteksyon sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, totoong mababawasan ng paggamit ng face shield ang pagkalat ng virus, pero hindi ito nagbibigay ng garantisadong proteksyon gaya ng face mask.
Payo ni Salvana, mas mabuting magsuot din ng face mask kung gagamit ng face shield lalo na kapag nasa pampublikong transportasyon o kung haharap sa ibang tao.
Kamakailan ay pinaalalahanan din ng World Health Organization (WHO) ang publiko na ugaliing magsuot ng mask at iba pang proteksyon gaya ng face shield o goggles sa tuwing lalabas ng bahay.
Ang mga isusuot naman na medical at non-medical face mask gaya ng fabric mask ay dapat na may tatlong layer upang maging epektibong proteksyon, ayon sa WHO.
go go WHO
ReplyDelete