Home »
NEWS
» Filipina caregiver sa Taiwan, kulong matapos lokohin ang mga kapwa Pinoy sa investment scam
Filipina caregiver sa Taiwan, kulong matapos lokohin ang mga kapwa Pinoy sa investment scam
Binigyan ng court order mula sa mga prosecutors ng Taiwan ang isang Filipina caregiver na sangkot sa isang investment scam kung saan tinatarget ang mga kapwa Pilipino dito.
Ang 32-year old Cargiver na naidentify bilang si Nelsa ay nagset up diumano ng isang fraud ring noong February 2019 at hinihikayat nito ang mga kapwa Pilipino na magdeposit ng pera sa isang account sa Taiwan.
Kapalit daw nito ang mas mataas na palitan sa Philippine peso ayon sa Taichung District Prosecutors' Office.
Ayon sa sa mga prosecutor, may na-scam na ito sa Taipei, Taoyuan, Taichung, Chiayi at iba pang parte ng Taiwan.
Sinasabi ng mga scammers na magkakaroon sila exchange rate P2.5 kada NT$1 na maihulog sa investment na ito pagkatapos ng isang buwan at tataas pa daw kung tatagal.
Philippine envoys mula sa Taipei ang nagreport ng scam na ito. Lampas 200 katao na ang naloko nila at halos NT$80million ang halagang na scam.
No comments:
Post a Comment