Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Frozen seafood sa China nakitaan ng Coronavirus


Isang lokal na pamahalaan sa China ang nakapag-ulat na mayroon umanong coronavirus na nakapagdudulot ng COVID-19 sa outer packaging ng mga frozen seafood na nanggaling sa Dalian City, isang lugar sa bansa na kamakailan lang ay nakapagtala ng biglaang paglobo ng kaso ng sakit.


Nadiskubre ang virus sa packaging ng mga frozen good matapos bumili ng mga ito ang tatlong kompanya sa Yantai, isang port city sa eastern Shandong province.

Ayon sa Yantai city government, ang mga produkto ay bahagi ng imported shipment na dumaong sa Dalian, ngunit hindi  tinukoy ang orihinal na pinanggalingan ng mga ito.

Kamakailan lamang ay sinabi rin ng mga custom officer sa Dalian na nadiskubre nilang may coronavirus din sa outer packaging ng frozen shrimps na nagmula sa Ecuador dahilan upang isuspende ng China ang mga dumadating na imported products mula sa tatlong Ecuadorean shrimp producers.

Samantala, ayon sa World Health Organization, wala pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na nakuha mula sa mga pagkain o mismong packaging nito, ngunit binigyang diin nito na mayroong mga pag-aaral na nagpapatunay na kayang mabuhay ng virus ng 72 oras sa mga plastic surface.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive