Gobyerno, hinihimok ang simbahan na magbigay ng pag-asa sa gitna ng pandemya
Dahil sa pagtaas ng suicide rate sa bansa, hinihikayat ngayon ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga religious leader na magbigay ng pag-asa sa komunidad sa gitna ng pandemya.
“We respectfully request our spiritual leaders to bring this much needed message of hope to our suffering countrymen in order to stave off more incidents of self-destruction,” sabi ni Guevarra.
Ayon kay Guevarra, natalakay niya ang dumadaming bilang ng suicide cases kay Secretary Carlito Galves Jr., head ng COVID-19 task force, noong Biyernes ng gabi (Agosto 21).
Pagbabahagi niya, nababahala raw ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa mga impormasyong kaniyang nabanggit bagama't walang naibibigay na eksaktong bilang ng mga kaso.
Ang COVID-19 pandemic ay sinasabing may malaking epekto sa mental na kalusugan ng mga Pilipino lalo pa at marami ang nawalan ng trabaho at ng mga mahal sa buhay.
Dahil dito, hinihimok ngayon ng gobyerno ang mga simbahan at religious leader na magbigay ng counseling at patnubay sa mga indibidwal na nakikipaglaban sa depresyon.
No comments:
Post a Comment