Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Grupo ng mga guro, nananawagan na iurong ang pagbubukas ng klase sa Aug.24


Mainam na iurong na lamang ang pagbubukas ng klase ngayong taon dahil hindi pa handa ang mismong Department of Education (DepEd) para sa mga kakailanganin ng mga estudyante at guro, ayon sa  grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) Miyerkules (Agosto 5).


Sabi ng grupo, sa Agosto 24 na ang nakatakdang petsa sa pagsisimula ng klase ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin umanong modules na gagamitin ang mga mag-aaral. Hindi rin daw sapat ang health protocol, technical assistance, at pagsasanay ng mga guro.

Sabi ni Kris Navales, pangulo ng Quezon City Public School Teachers Association, nangako ang DepEd na handa na ang mga modules na gagamitin ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap.

"Sa mga probinsya, nakikita natin ang mga guro na sa kanilang sariling bulsa nagmumula ang pag-print ng module," sabi ni Navales.

Kamakailan ay ipinahayag ng DepEd na gumagawa na ito ng paraan upang makakuha ng mga gadget at iba pang kagamitan para sa online learning, na sasapat sa bilang ng public school teachers sa bansa.
Share:

2 comments:

  1. Kumita lang, kahit di pa handang handa? Masyadong halata naman. . .

    ReplyDelete
  2. Di po kaya sa online class, dumami ang 1st honor ? Depende sa husay ng mga magulang ng mga mag-aaral?

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive