Guro na pumapasok sa eskwlehan para maghanda ng module, nagka-COVID-19
Labis na lungkot at takot ang nararamdaman ngayon ng isang public school teacher sa Baguio City na si Norberto Rodillas dahil maging siya ay positibo na rin sa COVID-19.
Hinala ni Rodillas, posibleng nakuha niya ang sakit sa kaniyang magulang, kapatid o tiyahin na nasa kasalukuyang nasa ospital na rin ngayon.
Ngunit suspetya naman ng pamahalaang lungsod posibleng nahawa si Rodillas ng kaniyang ate n una ng nagpositibo sa virus.
Isa ring guro ang kaniyang kapatid na kasama sa mga naghahanda ng module sa paaralan bilang preparasyon sa distance learning ngayong taon.
Humihingi ngayon ng paumanhin si Rodillas sa kaniyang mga kapwa guro, kaibigan at iba pang kakilala na kanilang nalapitan.
No comments:
Post a Comment