Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Health workers sa probinsya, tutulong sa mga frontliner na nasa NCR


Ipapadala na sa Metro Manila ang mga health worker mula sa iba't-ibang probinsya upang tulungan ang mga medical frontliner na pagod na sa pakikidigma sa COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes (Agosto 3).


“Kailangan natin gumawa ng substitution team para makapagpahinga ang mga kapatid natin na health workers sa NCR. Kausap po namin ang aming regional offices, at may darating na health workers [from other regions] dito sa NCR para tumulong,” saad ni Vergeire.


“Mag-aanunsiyo rin po kami ng programa para sa private sector health workers po natin,” dagdag pa niya.

Ayon din kay Vergeire, magkakaroon ng pulong sa pagitan ng Department of Health at mga grupo ng health workers para sa maaayos na deployment ng mga health personnel na tutulong sa pagsugpo ng pandemya.

Kagabi lamang (Agosto 2), ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasailalim ng National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal sa modified enhanced community quarantine alinsunod sa panawagan ng mahigit 1,000 medical frontliner.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive