Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa Taiwan, arestado


Naaresto ang isang babae na hinihinalang illegal recruiter sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Manila sa Rosario, Cavite noong Agosto 3.


Ayon sa CIDG, ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng  reklamo mula sa Commission On Filipinos Overseas patungkol sa illegal recruitment activity ng MGR Worldwide Travel and Tours Agency.

Nag-aalok umano ang naturang ahensya ng mga trabaho tulad ng factory worker, at production worker sa Taiwan, New Zealand at South Korea kapalit ng P72,500 na placement fee.

Maraming biktima ang nag-apply sa kagustuhang makapag-abroad ngunit hanggang ngayon ay hindi  pa rin nakalilipad paalis ng bansa.

Sabi ng Philippine Overseas Employment Agency, walang permit ang agency upang mag-recruit ng tao pa-abroad kaya maituturing ito ilegal.

Nahaharap ngayon ang nahuling suspek sa kasong large-scale estafa at paglabag sa Migrant Workers Act habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan nitong opisyal at tauhan sa ahensya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive