Karamihan sa kaso ng COVID-19 ay mga manggagawa: DOH
Mga manggagawa ang bumubuo sa malaking porsyento ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH), Biyernes.
Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ipinapakita ng mga datos na kabilang sa productive age groups o mga taong edad 20 hanggang 59 ang may malaking bahagdan sa bilang ng mga infected ng sakit sa bansa.
“Drivers ng infection ‘yung mga lumalabas ng bahay at pag umuwi sila, sila magdadala ng infection sa kanilang tahanan,” sabi ni Vergeire sa isang media forum.
“Part of this group who goes out of their houses are those who work and we assume they are the ones who carry infection and these are the productive age groups,” dagdag niya.
Nagsimulang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa simula noong bawasan na ng gobyerno ang ilan sa mga containment measure ng bansa sa virus upang magbigay daan sa bumababang ekonomiya.
No comments:
Post a Comment