Dahil sa mas pinahirap na buhay ngayong pandemya, marami na ang nahihikayat na magbenta ng kidney o bato sa social media para lang magkapera.
Ilan sa mga Pilipino na nasubukan ng magbenta ng bato online ay si "Gardo," hindi niya tunay na pangalan.
Kwento ni Gardo sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” napaso ang kaniyang lisensya bilang guwardiya at dahil sa pandemya ay nahirapan na siya muling makahanap ng panibagong trabaho na mapapasukan.
Para makaraos, napilitang manghiram ng pera si Gardo dahilan upang mabaon na ito sa utang. Dito na niya napagdesisyunan na ibenta ang isa niyang bato.
Ayon sa mga iba pang nagbebenta ng kanilang kidney, umaabot sa P350,000-P500,000 ang inaalok na presyo para sa isang bato. Sapat upang muling makabangon at makapagbayad sa tambak na utang.
Paaalala naman ng National Kidney Transplant Institute (NKTI), mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng bato lalo pa at malaking peligro ang maidudulot nito sa tao.
Kidney for sale k ilangan q lng ng pera s pg aaral ng anak q pm bili ng gamit ng anak wala p aq trabaho dahil s pandimia
ReplyDelete