Isang lolo ang magpapadala ng dokumento sa courier service para sa enrollment ng apo ngunit kulang ang pambayad nito at naglakad pa ito para lang hindi mabawasan ang pera mabuti nalang at nagmagandang-loob ang isang lalaki na bayaran ang kulang ni lolo na siyang ikinatuwa naman ng matand, naghihirap man at nagtitipid ang mga tao ngayon mayroon pa rin palang handang tumulong sa nangangailangan.
Ayon kay Dhen dhen ang nag post ng larawan sa facebook, nagtanong daw si lolo kung mag kano ang kaniyang babarayan sabi naman ng counter 135 pesos ang babayaran ngunit 50 pesos lang ang dala ng lolo
Naiiyak nalang si Dhen sa nasaksihang pangyayari, nagpasya ang isang lalaki na babayaran nalang ang kulang dahil naaawa siya at nag-aalala na raw si tatay na baka hindi nito mapadala ang mga dokumento at malayo pa raw ang bahay nila para bumalik siya at manghiram ng pambayad.
Naghihintay na lang si Dhen Dhen na tawagin ang pangalan niya para sa claim payment nang may lumapit na lalaki sa counter, “Ako na lang magbabayad sa kulang ni lolo ma’am, mapadala lang ang mga ipapadala niyang papel,” sabi nito sa babaeng staff.
Napaluha nalang si lolo dahil may magandang-loob na tumulong sa kanya, sa kaloob-looban ni Dhen dhen malaki ang pasasalamat niya sa lalaki sa pagiging good samaritan nito, hindi mababayaran ang tuwa na binigay nito kay lolo.
No comments:
Post a Comment