Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

KUPIT-19: 437 katao sinampahan ng kaso ng DILG kaugnay ng korapsyon sa SAP


Nasa 437 indibidwal ang sinampahan ng administratibong kaso ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng korapsyon na naganap sa distribusyon ng ayuda para sa mga lubos na tinamaan ng pandemya, ayon sa isang opisyal nito.


Inihain ang mga kaso noong Lunes sa Office of the Ombudsman, kasama na rito ang plea for the immediate suspension from duty ng mga opisyal na nagbulsa ng mga pondo para sa cash aid, sabi ni Interior Undersecretary Bernardo Florece. 

Sa kabuuang bilang ng mga nakasuhan, 203 ang mga kawani ng local na pamahalaan kasama na ang mga mayor, councilor, village chairmen, at youth council leaders. 

May iilan ding treasurers, secretaries, social welfare at health officers, at daycare teachers ang sangkot umano sa korapsyon.

"Nakakalungkot talaga na in the midst of this pandemic, mayroon pang gumagawa ng mga ganoon and these are government officials," saad ni Florece sa isang panayam.

Dagdag niya,  626 katao pa ang iniimbestigahan ng pulisya. Maaari ding humarap ang mga ito sa kasong kriminal kaugnay ng korapsyon sa Social Amelioration Program.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive