Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lolo matiyagang pumila para lang makakuha ng ayuda galing SAP


Matiyagang pumila si Lolo Romeo Marquez, isa sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya, sa isang electronic money issuer sa Bayan ng Alabel, Sarangani Province, para lang makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.


Higit dalawang dekada ng namamasada ang 63 taong gulang na matanda, ngunit pansamantala itong natigil nang ipinatupad ang enhanced community quarantine sa bansa.

Hindi man siya pinalad na makatanggap ng ayuda mula sa unang tranche ng Social Amelioration Program noong Abril, kasama naman ito ngayon sa listahan ng mga waitlisted o left-out beneficiaries na mabibigyan ng cash aid.

Nang matanggap ang ayuda, agad nitong iniabot ang pera sa kanyang misis na si Lola Teresa na agad namang bumili ng bigas at iba pang pangangailangan sa bahay.

Laking pasasalamat ni Lolo Romeo sa natanggap na ayuda mula sa gobyerno dahil malaking tulong raw ito upang makaahon sila sa panahon ng pandemya.
Share:

4 comments:

  1. bakit pa po aq nakatanggap ng text galing sa Dswd SAP.

    ReplyDelete
  2. Matagal na kami naghhintay ng tawag sa sap kahit ngaun nganga parin

    ReplyDelete
  3. Matagal na ako naghihintay pero wala pa rin ako natatanggap na txts o tawag galing sa sap o ayuda hirap na hirap na kami ng mga anak ko.09091418454

    ReplyDelete
  4. Sana itxts na ako ng dswd o sap kasi matagal na ako naghihintay ng txts o tawag sa kanila hangga ngayon wala pa rin.09091418454

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive