Malaking populasyon ng Pilipinas, sagabal sa pagsugpo ng COVID-19
Ang malaking populasyon ng Pililinas ay isa sa mga hamon na ikinakaharap ng gobyerno sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic sa bansa, ayon kay international author Tomas Pueyo.
“That is going to be the biggest challenge. You have millions of people working very close to each other. Many of them cannot just stay home because they are going to starve and how do you handle that situation?” sabi ni Pueyo sa isang panayam sa radyo noong Biyernes.
Isinaad din ni Pueyo na kailangang mas palawakin ng gobyerno ang COVID-19 testing, contact tracing, at quarantine measures kung nais talaga nitong matapos ang pagkalat ng virus sa mga siyudad gaya ng Metro Manila.
Dagdag pa niya, dapat din na mas ilaan ng bansa ang atensyon nito sa mga datos na mas makapagbibigay ng konteksto at ideya kung paano makokontrol ang paglaganap ng sakit.
“They do tell us what is happening at the high level. They never tell us the reality on the ground, but they give us a sense of where it’s going,” saad ni Pueyo.
No comments:
Post a Comment