Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mambabatas, napag-alamang hindi gumagana ang hotlines ng DSWD para sa SAP


Hindi gumagana ang mga hotline number ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash subdsidy program nito, ayon sa mga mambabatas noong Miyerkules.


Sa isang House panel inquiry, sinubukang tawagan ni Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, ng Bulacan's 1st District at chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang mga numero na kung saan, ayon sa mga opisyal ng ahensya, ay maaaring tawagan ng mga hindi pa nakakakuha ng ayuda.

Sa kasamaang palad, hindi naka-connect ang mambabatas sa lahat ng numerong kaniyang tinawagan.
"Yung hotline dapat masagot, at kung hindi masagot, dapat ibig sabihin may kinakausap na ibang tao," saad ni Sy-Alvarado.

Ayon naman kay DSWD Undersecretary Danilo Pamonag, idudulog niya ang problemang ito kay Director Ferdinand Budeng na siyang namumuno sa operations center for resolution ng DSWD.

Share:

11 comments:

  1. kami mag asawa kahit piso wala pa po masaya na sana kami dahil nakasama kami sa waitlisted aug 4 ebcode na antayin dw txt ng dswd...dios ko ber month na waka pa rin sana e manual pay out nlang toral may liat naman na kau dswdncr bakit ginagawa nyo kaming tanga sa pera na dapat sa amin dahil tulong yan ng pamahalaan

    ReplyDelete
  2. #dswdsap bakit ipipilit nyo po ang digital pay out dahil ba sa gusto nyo pahirapan ang mga tao o dahil gsto nyo ibUlsa ang ayuda?simple lang naman may list na kau ng binificiary ng sap waitlisted man o 2nd tranch diba?tanung ko lang atw nyo ibgay ang budget per brgy ng sa ganun matapos na kawawa ung tulad namin n umaasa dahil kahit piso ndi p ako o ang pmilya ko nakatanggap. #president duterte sana maaksyunan #congmarcoleta sir tulungan nyo po kmi

    ReplyDelete
  3. Next to philhealth dswd nman sunod n imbestigahan bakit bnigyan ng sap form mga senior perk wala nmang natanggao n cash dswd next to philhealth pleade

    ReplyDelete
  4. sana mabigyan nyo agad ng aksyun ang gnyang kaso sana sa katulad ko na solo parent at may 3 anak na ng-aaral mabgyan dn po at higit sa lahat beneficiary po ako ng DSWD dhil nkpgfile ako ng solo parent noon pa nung wala png lockdown at may id po ako pero ni isang ayuda wala po akong ntanggap dahil hndi po ako malakas sa brgy. nghihirap at nagugutom rn po kmi ng mga anak ko hndi ko alam kng saan ako hihingi ng tulong dahil pgpumunta ka ng dswd ituturo ka sa brgy at pgdating sa brgy. hndi rn nla alam kng bkit ganun.marami po kming hndi nkakatanggap at hndi pinapansin sna matulungan po ninyo.god bless

    ReplyDelete
  5. Til now po marami pa kmi dto sa Bayanan Muntinlupa hindi pa nakukuha ung mga second tranche namin las may pa namin nakuha ung una senior po aqo 63 yrs old at walang pension sa SSS hindi rin. Kasali sa kahit anong benepisyo galing sa gobyerno kundi sa SAP lng.

    ReplyDelete
  6. Dito din sa brgy mamatid cabuyao laguna waistlisted dapat Hindi na ninyo pinapila at pinaasa Ang tao waistlisted nga ibig sabihin
    naiilista nyo walang nkuha tapos Hindi nyo binigyan at discualified. Dswd region 4

    ReplyDelete
  7. Hindi malaman Kung asaan na Ang second tranche ako nakatanggap noong una until now pangalawa Wala pa asaan na Kaya dswd Ang aking ayuda nawalan ako NG TRABAHO nagsara Ang pinapasukan ko

    ReplyDelete
  8. tamA p0 yAn ndi cLa mAk0ntak khit alin tawAgAn jAn wLa tLgA.. Aq wAiting p rin malaking tulong p0 kasi pra smen ng mgA anAk q0 yAn soLo pArent Aq nawALan rin Aq ng trabaho ng mAgpAndemik..ngAy0n pA extr extra lng para khit papano makakain kme arAw arAw ng mgA anAk q0 kyA snA mAbigAy n yAn samen n hndi p rin nakakatanggAp ng 2nd tranche hanggAng ngAy0n..

    ReplyDelete
  9. Sana po #president duterte imbestigahan nyo kawawa nman kami naghihintay malaking tulong po yan saamin ngaun pandemic,tapos mga magnanakaw lng sa dswd angnagpapasarap ng pera na dapat tulong sa mahihirap.

    ReplyDelete
  10. Mas matindi po sa payatas khit anu sa sap wla po kmi nkuha,nwlan po ako ng trbho my 4 n ank. Kong cnu pa mpepera un pa nkakakuha plkasan kong my kakilala ka. Panu nmn po kmi. Sna nman ibigay yong pra smin kysa ibulsa nila. Sna po mhbol ko pa at mkuha pra sa mga ank ko.dapat imbestigahan ng mahal na pangulo yang lugar na yan.godbless!

    ReplyDelete
  11. Jusko kmi din dto s lugar nmin wla p ring natatanggap n SAP mula 1&2 tranch bale 5 p po kmi dto s lugar nmin.nanggaling n po kmi NCR DSWD pinapirma lng po kmi ng form at mag antay n lng dw po.hanggang ngayon wla p po kming natatanggap n ayuda s SAP sana nman po maibigay n s amin.tpos ang sabi po s amin s baranggay hindi n dw 16k ang matatanggap nmin kundi 8k n lng dw.kso wla p din hanggang ngayon.Aasa p po b kmi s SAP.pero s ibang lugar nagkakabigayan p po s SAP.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive