Mapaminsalang 'firenado' muling namataan sa California
Marami ang nagulantang nang makita ang isang fire tornado o firenado habang nagkakaroon ng wildfire sa Northern California noong Sabado.
Ayon sa mga eksperto, nag-ugat ang firenado sa malalakas na hangin na sumama sa makakapal na usok na nanggagaling sa Loyalton fire na sumunog sa mahigit 117 square kilometers na lupa malapit sa Lake Tahoe.
“Firenadoes are an extreme weather phenomenon that can occur with rotating fire columns,” sabi ng U.S. National Weather Service.
Ayon sa ulat, noong Linggo ay limang porsyento pa lamang ng apoy ang napapatay ng mga bumbero
Taong 2018 ay nakapagtala rin ang California ng firenado na kung saan isang bumbero at bulldozer driver ang namataang namatay.
No comments:
Post a Comment