Mas pinalakas na uri ng coronavirus namataan sa Pilipinas, ayon sa eksperto
Isang bagong strain ng coronavirus na pinaniniwalaang mas nakahahawa kumpara sa original variant na nagdudulot ng COVID-19 ang nasa Pilipinas, ayon sa mga genomic researcher.
Ang G614 na bagong mutation ng SARS-CoV-2, ang virus na nagiging sanhi ng COVID-19, ang naiulat na dominanteng uri ng coronavirus na nagkalat sa buong mundo.
Nang magsimula ang outbreak sa Pilipinas noong Marso, ang orihinal na D614 genotype ay namataan sa mga samples na kinolekta ng Philippine Genome Center (PGC). Ngunit sa bagong pag-aaral, napag-alaman ng mga eksperto na ang parehong strain ng coronavirus ay nasa bansa
“We now report the detection of the D614 variant among nine randomly selected COVID-19 positive samples collected in Quezon City in July. In the month of June, both the D614 as well as the G614 have been detected in a small sample of positive cases,” sabi ng PGC noong Agosto 13.
Ngunit paglilinaw ng mga eksperto, walang sapat na ebidensya na ang G614 variant ay mas nakahahawa kumpara D615. Wala ring nagpapatunay na ito ang nagiging sanhi ng tumitinding kaso ng sakit sa bansa.
No comments:
Post a Comment