Medical frontliners humihiling na isama sila sa dasal ng publiko
Nanawagan ang mga pagod na pagod ng medical frontliners sa publiko na isama sila sa kanilang mga panalangin habang sila ay patuloy na nakikipaglaban sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Base sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 80% capacity ang mga hospital sa Metro Manila. Parami na rin ng parami ang bilang ng mga health workers na tinatamaan ng virus.
Sa katunayan, aabot sa 5,008 hospital staffs ang nagpositibo sa COVID-19. Kabilang sa naitalang numero ang 1,734 na mga nurse at 1,100 na mga doktor.
Sa kabila nito, nangako ang mga medical frontliner na magpapatuloy pa rin sila sa pagsugpo sa COVID-19.
"Kahit mag-isa kami at nahiwalay sa pamilya, patuloy po kaming lumalaban para 'yung mga pasyente natin sila po ay makakauwi at patuloy na makakasama ang mga mahal nila sa buhay," sabi ni Dr. Romina Ng, isa sa mga frontliner.
I'll pray for you? Godbless.
ReplyDeleteLord please guide and keep all our frontliners safe. Amen
ReplyDeleteLord please guide and keep all our frontliners safe. Amen
ReplyDelete