Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Medical frontliners ipinatitigil na ang paggamit ng COVID-19 rapid test kits


Tutol ang mga health expert sa paggamit ng rapid antibody test kit dahil isa ito sa mga nakikitang nilang sanhi ng mas tumitinding kaso ng COVID-19 sa bansa.


“Dapat ihinto na iyang rapid antibody test na iyan. Sa buong mundo, tayo nalang ata ang gumagamit nyan," sabi ni Dr. Antonio Dans ng Philippine Society of General Internal Medicine sa isang online forum, Martes (Agosto 4).

Ayon kay Dans, hindi naman epektibo ang paggamit ng ganitong uri ng test lalo pa at mga antibody lamang ang nakikita nito at hindi ang mismong virus.

“Sa tingin namin ang paggamit ng rapid test sa workplace, naging problema at nakadagdag sa paglaganap ng COVID-19," saad niya.

Noong Miyerkules (Agosto 5), ay inanunsyo naman ng Department of Health na target nilang ipatigil ang paggamit ng rapid test pagkatapos ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang probinsya.

Ngunit sabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque, maaari pa ring gamitin ang mga ito hanggat hindi pa sumasailalim ang mga indibidwal sa real-time polymerase chain reaction ( RT-PCR) test.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive