Mga cellphone para sa mga estudyante sa Mindanao, ninakaw at pinalitan ng bato
Naghihimutok sa galit ang isang Filipino netizen matapos nakawin ang mga donasyon niyang cellphone na para sana sa online class ng ilang mga bata sa Mindanao.
Ayon kay GP Jasmin, mahigit isang buwan na nang ipadala niya ang kaniyang mga donasyon patungong Mindanao ngunit hindi ito makarating-rating sa mga dapat na tatanggap.
Dahil dito, napagdesisyunan na niya na ipabalik na lamang ang kaniyang mga ipinadala ngunit laking gulat niya nang bato sa halip na cellphone ang tumambad sa loob ng kaniyang package.
"Kaya tayo walang pagasa Pilipinas, tayo lang nanloloko sa kapwa natin. Yung gagamitin na pang Online Class dapat, wala na. Binabawi lang natin yung karapatan ng batang gustong mag aral sa gitna ng pandemya," sabi ni Jasmin sa kaniyang social media post.
Humihingi ngayon ng tulong si Jasmin na ipaabot ang nangyari sa Ninja Van Philippines at Grab na siyang courier ng nasabing donasyon.
No comments:
Post a Comment