Mga Pilipino natagpuang patay at sugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon
Dalawang Pilipino ang kasama sa 73 taong namatay sa naganap na pagsabog sa Beirut's port sa Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Base sa tala ng embahada, nasa tahanan ng kanilang mga employer ang dalawang Pilipinong nasawi nang mangyari ang insidente. Bukod dito, walo pang Pilipino ang naiulat na sugatan habang 11 naman ang nawawala.
Nag-ugat ang pagsabog sa 2,750 tons na agricultural fertilizer ammonium nitrate na matagal ng nakaimbak sa portside warehouse, saad ng Prime Minister na si Hassan Diab.
Niyanig ng trahedya ang buong Beirut at maging ang mga karatig bansa gaya ng Nicosia sa eastern Mediterranean island ng Cyprus, na 240 kilometro ang layo, ay narinig ang malakas na pagsabog.
Paninigurado ni Diab, mananagot ang sinumang nasa likod ng mapaminsalang insidente.
"What happened today will not pass without accountability.Those responsible for this catastrophe will pay the price," sabi niya.
No comments:
Post a Comment