Photo from ABS-CBN |
Masakit para sa mga DJ ng MOR 101.9 ang naging pamamaalam nila sa isa't-isa at maging sa publiko noong Biyernes (Agosto 28), dulot ng tuluyang pagsasara ng ABS-CBN.
Sa isang MOR farewell broadcast sa Facebook, labis na lungkot ang mababakas sa boses ng mga DJ habang inaalala ang mga sandaling nanahan sila sa radio station at kompanya ng ABS-CBN.
“Masakit, mabigat sa loob magpaalam dito sa tahanan ko...Pero naniniwala akong may dahilan kung bakit kailangan pagdaanan natin ‘to,” sambit ni DJ Chacha.
Ang MOR ay isa sa mga ABS-CBN group na tuluyan ng tumigil sa operasyon noong Biyernes, resulta ng pag-deny ng kamara sa hiling ng kompanya na magkaroon ng bagong prangkisa.
Dahil din rito libo-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho hindi lang sa istasyon ng radyo kundi maging sa ABS-CBN Regional, ABS-CBN Sports, at Current Affairs arm of ABS-CBN News.
Sana ibenta na ang AbsCbn sa ibang franchiser at kunin mga dating trabahador.
ReplyDelete