Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Novel bunya virus na galing sa mga tick bites, maaaring maipasa ng tao sa tao


Maaaring maipasa ng tao sa tao ang novel bunya virus na galing sa mga tick o garapata at nagiging sanhi ng sakit na Severe Fever with Thrombocytopenia Syndrome (SFTS), ayon sa isang eksperto.


Base sa mga nakaraang pag-aaral, posibleng maikalat ang virus mula sa mga infected na hayop o tao sa pamamagitan ng dugo, respiratory tract, at sugat, sabi ni Sheng Jifang, isang eksperto sa novel bunya virus at direktor ng  infectious disease department sa ospital ng Zhejiang University School of Medicine.

Ayong kay Sheng, mayroon daw isang pasyente noon na tinamaan ng novel bunya virus at namatay. Nasa 16 na tao raw ang nahawa nito matapos ang magkaroon ng contact sa kaniyang katawan na dinudugo bunsod ng matinding impeksyon.

Dahil dito nagpaalala si Sheng sa mga medical staff at pamilya ng mga pasyenteng infected na magsagawa ng ibayong pag-iingat upang hindi mahawa ng sakit.

Dagdag pa niya, tumataas ang infection rate ng novel bunya virus sa tuwing summer kung kelan panahon ng pagpaparami ng mga garapata. Dahil dito, maaari raw maging isang epidemya ang virus kung hindi mag-iingat.
Share:

7 comments:

  1. Maraming garapata galing sa mga alagang aso,,cguro nman nd ito magdala ng sakit,,be aware lang tayo, maaaring galing ang mga bugs or garapata nayan sa china hal.nlng sa mga biniling stocks or items na gling china maaring napasama dun
    Ingat nlang tayong lahat

    ReplyDelete
  2. Nakakatakot nmn to.. Hindi p nga matapus tapus ang covid eto nmn my bgo. Wag nmn po sana Lord.. 🙏🙏🙏

    ReplyDelete
  3. O ano na naman yan puro nalang virus ang masakit lang made from CHINA na naman. Ano ba yan Lord kung paparusahan nyo ang China sila nalang tapat na man kaming nanampalataya sa Inyo.. China nalang at walang diyos ang mga iyan mga anti Cristo 666. Sana China oil.

    ReplyDelete
  4. Only GOD KNOWS... 😇😇
    tiwala Lang...

    ReplyDelete
  5. wag po kayo magalala kac kahat galing China fake kaya wag ba kayong magalala

    ReplyDelete
  6. Sus Kung totoo Yan. Dapat may exact date Kung kailan yan nadiskubre, ang gumawa nito, gusto Lang magkapera

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive