Patay ang isang overseas Filipino worker sa Hong Kong matapos mawalan ng malay at mabagok ang ulo sa semento ng isang palikuran sa plaza habang siya ay nasa day off.
Kinilala ang OFW bilang si Estrella Dofredo, tubong Ilocos Sur, na 20 taon ng nagtatrabaho sa Hong Kong.
Ayon sa kaniyang mga pamilya, dati ng nagkaroon si Estrella ng internal bleeding at brain aneurysm.
Humihingi ngayon ng tulong ang kaniyang mga kaanak nang sa gayon ay maiuwi na ang kaniyang mga labi.
Sagot naman ng Overseas Workers Welfare Administration, aabutin pa ng isang buwan bago maiuwi sa bansa ang katawan ng OFW dulot ng pandemya.
No comments:
Post a Comment