Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Opisyal ng Philhealth, nagsipagbitiw sa pwesto sa gitna ng umano'y kurapsyon sa ahensya


Nagbitiw na sa puwesto ang senior vice president ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Augustus de Villa sa gitna ng imbestigasyon sa ahensya kaugnay ng korapsyon.


Sa sulat ni de Villa, hindi niya idinetalye ang rason ng kaniyang biglaang pagbitaw sa tungkulin. Aniya, ang Vice Chairman ng Philhealth ang nakakaalam ng kabuuang dahilan ng kaniyang pag-alis sa ahensya.

"I hereby tender my irrevocable resignation, effective immediately... The Vice Chairman knows full well the reasons," sabi ni de Villa.

Pangako naman niya, patuloy siyang makikipagtulungan sa umiiral na imbestigasyon ng senado sa ahensya kaugnay ng P15 billion-corruption scandal.

Sabi ni Senador Francis "Kiko" Pangilinan, dapat na ring sumunod kay de Villa ang iba pang opisyal ng Philhealth.

Noong nakaraang buwan, una ng nag-resign ang tatlong opisyal ng ahensiya. Kabilang sa mga ito Philhealth anti-fraud legal officer na si Thorrsson Montes Keith. Samantala, hindi naman pinangalanan ang dalawa pang nagbitiw sa puwesto.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive