Umabot na ng P9 trillion ang pagkakautang ng Pilipinas, ayon sa Bureau of the Treasury (Hulyo 29), ngunit sabi ng mga eksperto hindi ito isang problema na dapat ikabahala ng sambayanang Pilipino.
Sa isang artikulo sa ANC, ay ipinaliwanag nina finance and economic analyst Raya Buensuceso, corporate finance manager Jan Michael Saniel, at Jerard Megg Cordero na direktor sa SyCip Gorres Velayo & Co., kung bakit hindi maituturing na problema ang utang ng bansa.
Ayon sa kanila, hindi raw dapat tinitingnan ang halaga ng inutang dahil ang mas importanteng suriin ay ang kakayahan ng bansa na makapagbayad sa itinakdang petsa ng hindi humihingi ng debt relief o restructuring.
Kung tutuusin, maganda ang fiscal position ng gobyerno dahil na rin sa tax reform efforts ng kasalukuyang administrasyon, sabi ng tatlong eksperto. Dahil dito, ay nagkaroon daw ng oportunidad ang bansa na umutang ng mas marami kumpara sa mga nagdaang taon.
Bukod dito, isa pang rason kung bakit hindi raw dapat ikabahala ng marami ang pagkakautang ng bansa, ay ang patas na timing at repayment pattern, grace period, maturity period, interest rate at other fees na ibinigay sa Pilipinas ng mga inutangang bangko gaya ng World Bank at Asian Development Bank.
Dagdag pa nila, maganda naman ang kapupuntahan ng mga inutang na pera lalo na at para ito sa COVID-19 response ng bansa. Naniniwala sila na kayang-kayang bayaran ng Pilipinas ang mga utang nito kaya wala dapat ikabahala.
"At the level and with the terms that the government is borrowing, we seem to be in safe territory. At least for now, there is no real reason to panic, as all indicators suggest that we have the capacity to pay off our loans," sabi ng mga eksperto.
No comments:
Post a Comment