Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pagsuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan sa Pilipinas, mandatory na


Ipinag-uutos na ng Department of Transportation ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask kung sasakay sa mga pampublikong transportasyon mula Agosto 15, bilang dagdag proteksyon sa laganap na virus.


Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2020-014, ipinag-utos ng DOTr sa iba't-ibang transportation sector na mahigpit na ipatupad ang "No Face Shield, No Ride" policy.

Samantala, walang ibinigay na detalye ang ahensya patungkol sa uri ng face shield na dapat suotin. Wala pa ring anunsyo kung ano ang magiging karampatang parusa para sa mga lalabag sa bagong batas.

Sa kasalukuyan, suspendido ang mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at apat pang probinsya na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine hanngang Agosto 18.

Para naman sa sea travel, ipapatupad na ang batas magsimula Biyernes, (Agosto 8).
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive