Pilipinas nangunguna na sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa Southeast Asia
Nalampasan ng Pilipinas ang Indonesia sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Southeast Asia, Huwebes (Agosto 6), matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang 3,561 new cases na nagresulta sa 119,460 total infection sa bansa.
Ang Indonesia ay mayroong 116,871 na kaso ng COVID-19 noong Miyerkules at may average new cases na 1,850 araw-araw sa nakaraang isang linggo.
Para naman sa Pilipinas, ang naitalang bilang ng mga bagong kaso ngayong Huwebes, ay ang ika-walong araw na na kung saan higit sa 3,000 ang naiulat na nahawa ng sakit sa bansa.
Ang limang lalawigan na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ay ang Metro Manila na may 2,041, Laguna na may 222, Cebu na may 221, Cavite na may 100, at Rizal na may 81.
Base sa datos, 50,473 lamang ang mga aktibong kaso na sumasailalim sa gamutan o quarantine ngunit Pilipinas pa rin ang siyang may pinakamataas na bilang sa buong Southeast Asia.
Sa 119,460 cases sa bansa, 90.9 percent ang mild, 7.8 percent ang asymptomatic, 0.8 percent ang severe habang 0.5 percent naman ang nasa kritikal na kondisyon
No comments:
Post a Comment