Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pilipino na dating world boxing champ, basurero na ngayon sa Japan


Buong pagmamalaking ibinahagi ng dating world boxing champion na si Malcolm Tunacao na pagbabasura na ang kaniyang bagong trabaho sa Kobe, Japan.


"Okay lang sir, proud... 'Yung trabaho ko hindi nanlalamang ng tao. Talagang maganda 'yung trabaho ko, wala akong inaano na tao, marangal na trabaho," sabi ni Malcolm sa isang panayam sa "24 Oras" noong Biyernes.

Kwento ng dating boksingero, mataas daw ang pagtingin at respeto ng mga taga-Japan sa mga basurerong tulad niya lalo na ngayong may pandemya.

Pagbabahagi pa niya, walang mali sa pagiging kolektor ng basura, kailangan lamang magsumikap, magdasal at magkaroon ng respeto sa mga kapwa tao.

"Ang importante rin masayahin ka na tao, kahit may problema ka, ako sir marami akong nadaanan sa buhay pero sa akin, wala 'yun, masaya ako, tawa lang ako nang tawa, pero may problema pero okay lang 'yun," dagdag niya.

Si Malcolm ay tubong Cebu. Dati itong nagpalaboy-laboy sa palengke bago pa man naging world champion.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive