Pinay OFW, nagkwento sa madugong sinapit sa pagsabog sa Beirut, Lebanon
Isang Pinay domestic helper sa Lebanon malinaw na nasilayan ang matinding pagsabog sa Port of Beirut hindi basta makakalimutan ang kanyang karanasan, at ang pagkabigla nang makita ang tindi ng pagsabog.
Sa mismong tahanan ni Ursula Guira nasilayan niya sa kanyang bintana ang maitim at makapal na usok dahil sa matinding pagsabog nasira ang mga bintana ng mga ilang tahanan doon at nagsiliparan ang mga sasakyan at makikitang may sira ang mga buildings.
"Binuksan ko. Doon na ako napalipad, doon na ako napatapon, basta bumagsak ako sa sahig... Doon ko na nakita na tumutulo na ang dugo ko. Marami nang dugo sa sahig na umaagos. Hinipo ko yung mukha ko, puro dugo pala ako. Wala akong naramdaman kasi noong oras na 'yun," sinabi nk Ursula.
May sugat na malalim si Guira sa kanyang siko, may mga sugat din sa kanyang ulo at ang mga bubog ng bintana ay nasa kanyang bibig at mukha.
Sinubukan niyang pumunta sa isang ospital ngunit mabilis siyang umuwi nang makita niya na napuno ito ng mga tao na mas malala ang kanilang sitwasyon na nag-udyok sa kanya na gawin ang paggamot sa first-aid sa kanyang sarili.
"Punong puno, ang daming sugatan talaga. Mas maraming pang mas malalang sugatan kaysa sa akin," ayon kay Guira.
No comments:
Post a Comment