Home »
NEWS
» Pres. Duterte kasalukuyang nasa isolation matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive
Pres. Duterte kasalukuyang nasa isolation matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive
Boluntaryong nag-isolate si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City, matapos niyang makasalamuha si Interior secretary Eduardo Año na nagpostibo sa COVID-19, ayon sa Malacañang, Lunes (Agosto 17).
“The president is in perpetual isolation because no one can come close to him...Whenever we meet with him there’s a velvet robe that keeps him at least six feet away from everyone else. No one can really come close to the president," sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi sigurado kung magkakaroon ba ng nation address ang Pangulo ngayong araw.
Paglilinaw naman ni Roque, bagama't magkasama sa iisang silid si Año at Pres. Duterte noong nagkaroon ng nagkaroon ng nation address sa Davao City, hindi naman daw nagkaroon ng closed contact ang dalawa.
"Ang presidente technically wala siyang close contact and kung we will go by the book, hindi siya nag-close contact dahil malayo kaming lahat kay presidente at naka-face shield at face mask,” paglalahad ni Roque.
Dagdag pa niya, sumailalim na sa PCR test ang Pangulo bilang pagsunod sa patakaranng inilunsad ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara sa kanilang lugar.
No comments:
Post a Comment