Pres. Duterte nangakong tatapusin ang korapsyon sa natitirang 2 taong termino
Matapos ang pagputok ng isyu patungkol sa korapsyon na nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya titigil sa pagsisiwalat sa mga nangungurakot na opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Senator Christopher "Bong" Go, maging siya ay sinabihan ng Pangulo na magsumbong kahit pa mismong kaalyado nila ang gumagawa ng katiwalian.
Dagdag pa niya, sinabi raw ni Pres. Duterte na hindi siya hihinto sa pag-usig sa mga korap na opisyal sa kaniyang huling dalawang taon sa posisyon.
"Nangako siya na gagawin niya ang lahat, na tapusin ang korapsyon para sa mga Pilipino," saad ni Go.
Noong Biyernes (Agosto 7), ay ipinag-utos ni Pres. Duterte ang pagbuo ng task force na siyang mag-iimbestiga sa mga alegasyong ikinakaharap ng Philhealth, alinsunod sa mungkahi ni Go.
No comments:
Post a Comment