Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte tiwala pa rin sa Philhealth sa kabila ng corruption issue


Tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), sa kabila ng nadidikit na isyu rito patungkol sa kurapsyon ng P15 bilyong pondo nito, ayon sa Malacañang, Miyerkules (Agosto 5).


Sa isang panayam, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ayon kay Senator Bong Go, nagtitiwala pa rin ang Pangulo kay PhilHealth president Ricardo Morales hanggat wala pang ebidensya na nagpapatunay sa naganap na pagnanakaw.

“According to Senator Bong Go, he [President] still does but he wants to see the evidence...If there’s evidence that would affect his trust and confidence, of course it will change. And that’s why I’m hoping that these investigations will document the evidence that the President wants to see,” sabi ni Roque.

Sa kabilang banda, itinanggi naman ni Morales ang ibinibintang sa kaniyang pagbulsa ng pondo mula sa Philhealth sa mga nakalipas na taon sa pamamagitan ng iba't-ibang fraud scheme gaya ng overpriced test kits.

Noong Agosto 4, ay sinimulan na ng senado ang hearing at imbestigasyon patungkol sa kalat na kurapsyon sa ahensya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive