Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte, unang susubok sa COVID-19 vaccine mula Russia


Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang maging kauna-unahang Pilipino na tatanggap ng COVID-19 vaccine na manggagaling sa Russia.


“Ako pagdating ng bakuna in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako...Ako ‘yong unang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” saad ng Pangulo sa kaniyang briefing noong Lunes (Agosto 10).

Ayon sa kaniya, masaya siya dahil ipinaalam ng Russia na magbibigay ito ng libreng bakuna para sa COVID-19  bilang tulong sa Pilipinas.

“Maligayang-maligaya ako kasi ang Russia kaibigan natin ito. Wala tayong away sa Russia. Ang ano nila is bibigay sila ng bakuna, wala naman silang sinasabing ‘Bayaran mo," sabi ni Pres. Duterte.

Dagdag niya, inaasahan na magsisimulang mamahagi ng COVID-19 vaccine ang Russia sa darating na Septyembre o Oktubre ngayong taon.
Share:

1 comment:

  1. Patay na sa September pa ... Nasaan yung inutang mo pambili ng vaccine?

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive