Russia, handang mag-supply ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas
Handang magbigay ng COVID-19 vaccine ang Russia sa Pilipinas o makipagtulungan sa mga local firm sa produksyon ng bakuna, ayon sa ambassador nito sa bansa, Biyernes (Agosto 7).
Inaasahan ng Russia na makakakuha na ito ng regulatory approval ngayong buwan para sa potential vaccine nito kontra COVID-19. Ang mga unang doses ng bakuna ay nakatakdang ibigay sa mga medical frontliner.
"We are ready to supply vaccines to the Philippines," sabi ni Igor Khovaev, Ambassador to the Philippines ng Russia, sa isang virtual news conference.
Ayon kay Khovaev, epektibo at ligtas ang nagawang bakuna ng Russia. Sa katunayan, nasa 20 bansa na ang nagpapakita ng interes ngayon para distribusyon ng COVID-19 vaccine.
Gayunpaman, marami pa rin ang nangangamba na baka sa bilis pagkakagawa ng bakuna ay maisakripisyo nito ang kaligtasan ng publiko.
No comments:
Post a Comment