Sako-sakong gamit na rapid test kits, itinapon sa tabing kalsada sa Leyte
Daang-daang gamit na rapid test kits para sa COVID-19 ang tumambad sa mga kagawad matapos bulatlatin ang mga sakong itinapon sa gilid ng kalsada sa Barangay Balinsasayaw sa Abuyog, Leyte.
"Nalaman namin na galing pala ito sa isang private clinic. Tinapon daw ng driver. It is from a different municipality. It is from a different district, malayo talaga," Lemuel Gin Traya, Alkalde ng Leyte.
Pangamba ng probinsiya, baka makadagdag pa ang mga namataang test kits sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar dahil maaaring mayroon pang naiwan na virus sa mga ito.
Agad namang idinispose ng munisipalidad ng Abuyog ang mga test kits alinsunod sa health protocols.
"Per advise ng EMB lagyan daw ng concentrated chlorine, i-sanitize siya then ilagay sa plastic drum 'yung blue na malaki na drum tapos i-seal siya, huwag na siyang buksan kasi 'yun nga delikado kasi," saad ng Mayor.
No comments:
Post a Comment