Sanggol, nabulag matapos litratuhan gamit ang cellphone na may flash
Permanente ng nabulag ang isang mata ng sanggol matapos itong kunan ng malapitang larawan gamit ang cellphone na may flash.
Kwento ng mga magulang ng sanggol, agad nilang napansin na para bang may mali sa paningin ng anak matapos itong litratuhan.
Ayon sa doktor, dahil sa 10 pulgada lamang ang layo ng cellphone sa sanggol, nasira ang mata nito matapos tamaan ng malakas na ilaw.
Dahil dito humina ang paningin ng kaliwang mata ng sanggol habang permanente namang nabulag ang nasa kanang bahagi nito.
Ang flash ng cellphone ay maaaring makasira sa cells ng macula, isang parte ng mata na kung mapipinsala ay maaaring magresulta sa pagkabulag.
No comments:
Post a Comment