Tuloy ang 3% premium contribution sa OFWs pagkatapos ng pandemya: Philhealth
Base sa pagkakaunawa ng Philippine Health Insurance Corp.’s (PhilHealth), ang inilabas nitong circular na nagpapataw ng 3 percent premium contribution sa mga overseas Filipino workers na may monthly-income na P10,000 to P60,000 ay matutuloy pa rin sa oras na matapos na ang pandemya.
“Ang interpretation kasi ng PhilHealth, yung voluntary na in-announce ng Presidente ay during the pandemic period lang,” sabi ni PhilHealth social health insurance officer Antonio Danao sa isang joint hybrid meeting noong Martes (Agosto 18).
"Ngayon after the pandemic, dahil ang batas ay hindi pa na-amyendahan at yung PhilHealth circular na aming nailabas ay hindi pa na-amend, after the pandemic, magte-take effect pa rin ang PhilHealth circular,” dagdag nito.
Una ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philhealth na gawin na lamang boluntaryo ang pagbibigay ng premium payment sa mga OFW pagkatapos ng samu't saring batikos at hinaing sa ahensya.
Sa nasabing circular, ipinapahayag na ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, bilang direct contributor ng Universal Healthcare Law, ay obligadong magbayad ng payment at remittance of premium contributions sa Philhealth.
No comments:
Post a Comment