Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Unfair: Pulis na nang-angkas ng walang helmet at barrier ginalit ang netizens


Marami ngayon ang naiinis sa pulis na nakuhanan ng litrato na may angkas na walang helmet at barrier kahit pa ito ay ipinagbabawal ngayon sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.


Kamakailan lamang ay inanunsyo naman ng Department of Local and Interior Government (DILG) na pwede na ang pag-aangkas sa motorsiklo.

Ngunit upang tuluyang makabyahe sa kalsada, kailangan na mag-asawa na magkasama sa bahay lamang ang magka-angkas. Dapat ay mayroon ding motorcycle barrier sa pagitan ng driver at backrider.

Dahil dito, umusok sa galit ang mga nakakita sa litrato ng pulis dahil mismong mga kaantabay sa pagpapatupad ng batas ang lumalabag sa utos ng gobyerno.

Bukod sa walang barrier at helmet, napansin din na wala umanong plaka o temporary plate number ang sinasakyang motorsiklo.

"Alam na. Kapag cla ang pasaway ayus lng!! Kapag sibilyan huli agad!!!!" sabi ng galit na galit na netizen.

Sa ngayon ay wala pang komento ang Philippine National Police ukol sa viral na police officer ngunit patuloy pa rin ang kapulisan sa paghuli sa mga lalabag sa bagong panukala.
Share:

1 comment:

  1. kasi nga sila lagi ang bida sa panahon ngaun...hehehe

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive