Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

US, pinayuhan ang mga pupunta ng Pilipinas na huwag ng tumuloy


Hinihimok ngayon ng US Department of State on Philippines Travel Advisory ang mga tao na pag-isipan muna ang pagbyahe papunta ng Pilipinas dahil sa tumitinding kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bukod sa banta ng sakit, sinabi rin ng ahensya na dapat maging maingat at maalam ang mga tao na dadayo ng Pilipinas tungkol sa laganap na kaso ng krimen, terorismo, civil unrest, measles outbreak, at kidnapping dito.

Partikular na binanggit ng US Department ang  Sulu, Southern Sulu sea at Marawi City sa mga lugar sa bansa na hindi dapat puntahan dahil sa mga hindi inaasahang pagpapasabog at pag-atake ng mga terorista lalo na sa mga mall at mga tourist location.

Dagdag pa nito, base sa report ng mga awtoridad sa Pilipinas, marami ang mga namatay sa National Capital Region, Central Luzon, at Davao bunsod ng measles outbreak kung kaya hindi dapat basta-basta na pumunta sa bansa.

Una ng itinaas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa Level 3 ang Travel Health Notice sa Pilipinas dala ng COVID-19. Nagbigay din ito ng rekomendasyon at payo para sa mga turista patungkol sa measles outbreak sa bansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive