Home »
NEWS
» Utang ng Philhealth sa Red Cross aabot na ng P1-Billion, COVID-19 testing centers maaaring masuspende
Utang ng Philhealth sa Red Cross aabot na ng P1-Billion, COVID-19 testing centers maaaring masuspende
Ang kapalpakan ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) sa pagbabayad ng balances sa Philippine Red Cross (PRC) ay maaaring ikasuspend ng mga COVID-19 testing centers ayon kay Senator Richard J. Gordon.
Ang mga magpapatest ng COVID-19 at gagamit ng Philhealth ay maaaring hindi na nila tanggapin dahil sa lumolobong utang ng ahensya.
“Aabot na sa isang bilyon ang utang ng PhilHealth sa Red Cross. Pagkatapos nilang magbigay ng advanced payment na P100 million noon, paunti-unti na lang ang pagbabayad nila. Hindi naman pupuwedeng ganoon dahil kailangan din namin ng pambili ng materials para sa testing at pambayad sa mga tao. Kung hindi sila makapagbabayad hanggang Monday, ititigil muna namin ang testing,” ayon kay Gordon.
Ang bayad ng Philheath ay ito sana ang pagbili ng mga testing kits, kung walang testing kits ay hindi rin magooperate ang ahensya.
“How can we operate if we do not have enough test kits and we do not have money to pay our med techs and other staff? We have been totally cooperative in all aspects but we cannot afford to continue if the government, particularly PhilHealth, continues to fail to pay for their lawful obligations,” dagdag ni Gordon.
Samantala, bukas pa rin ang PRC sa mga walk-in individuals na gustong magpatest at magbabayad gamit ang personal income.
No comments:
Post a Comment