Home »
» 'Wala ng pera': Gobyerno hindi na kayang magbigay ulit ng ayuda para sa mga mahihirap
'Wala ng pera': Gobyerno hindi na kayang magbigay ulit ng ayuda para sa mga mahihirap
Ubos na ang pera ng Pilipinas at hindi na nito kakayanin pang magbigay ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap na pamilya sa bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, Linggo ng gabi.
Sa kaniyang nation address, sinabi ni Pres. Duterte na hindi na matutustusan ng gobyerno ang pagkain at ayuda para sa mga lubos na naapektuhan ng lockdown dulot ng COVID-19.
"I'm sorry Manila, ngayon magsabi kayo i-lockdown mo na ang Manila, ang ibang lugar, kahit Philippines, para talagang mahawa—wala ka nang mahawaan, wala ka nang mahawa...Problem is wala na tayong pera. I cannot give food anymore and money to people," sabi ng Pangulo.
Noon lang Hunyo 29, ay inanunsyo ng Bureau of the Treasury (BTr) na umabot na sa P9.054 trillion ang utang ng gobyerno ngunit ayon sa ilang eksperto hindi dapat ito alalahanin dahil kaya itong bayaran ng bansa.
Kamakailan din ay sinabi ng Pangulo na may posibilidad na magbenta siya ng ilan sa mga ari-arian ng gobyerno upang magkapondo at makabili ng bakuna para sa COVID-19.
9trillion?????? Saan napunta????? Eh ang daming di nabigyan at ngrereklamo! Kung sino pa yung walang wala sa buhay sila pa ang binalewala ng gobyerno,,, parang di naman umabot ng trillion ipinamigay, swerte naman ng mga namahala ng pgbbgay o mga PULITIKO na pinagkatiwalaan para ni pangulo na ipamigay sa mhihirap ang pera pero sa totoo lang sila ang nakinabang. Isa akong solo Parent na may dlwang anak wakang trabaho, in short palamunin ngayun! Umaasa sa ayuda pero mas inuna ang mga may mas kaya buhay kasi hindi sinala ang mga bibigyan kung sino dapat bgyan kundi mas inuna nila ang kurakot at mga taong may trabaho, may kaya, at may katuwang😢ðŸ˜
ReplyDeleteAng nasa position ang nabusog sa pera na yan.
ReplyDeleteButi pa sila ...natulongan kaming mga nwalan ng trbaho at naging volunteer ay hnd pa tuloy nabigyan tapos wla na huhuhuðŸ˜
ReplyDeleteAng mga Filipino marunong mag compute khit isang trillion lng yan devide mo sa sampung million na tao d pa rin mauubos isang trillion 9trillion pa kaya
ReplyDelete